Pediatric vaccination hindi naging traumatic

PCOO photo

 

Pinuri ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ibat-ibang tanggapan ng pamahalaan dahil sa pagsusumikap para hindi maging traumatic ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga batang edad lima hanggang labing-isang taong gulang.

Sa Talk to the People, pinasalamatan ng Pangulo ang mga medical professionals at iba pang health workers.

Tinuturuan aniya ng mga medical professionals at mga health workers ang pamahalaan.

“I said, my gratitude for making it possible. Each and every one of you, maraming salamat sa inyong lahat, at minsan natuturuan ninyo ang gobyerno ninyo,” pahayag ng Pangulo.

Ayon sa Pangulo, dumaan sa masusing pag-aaral ang mga bakuna kung kaya ligtas at epektibo ito.

“We do not claim to be really in perfect harmony with any — with all and any events but your contributions, especially in making it a more memorable experience for the child would go a long way also to how he improves his paradigm towards life,” pahayag ng Pangulo.

Sa ngayon, nasa 62 milyong katao na ang bakunado sa Pilipinas.

Read more...