Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko na magpabakuna na kontra COVID-19.
Pahayag ito ng Pangulo sa gitna ng ulat na kaunti na lamang ang nagpapabakuna at nagpapa booster shot.
Sa Talk to the People, sinabi ng Pangulo na dapat na makinig ang publiko kay Health Secretary Francisco Duque III.
“Ang masasabi ko sa mga kababayan natin ay makinig kayo kay Dr. Duque. Magpa-booster dose na kayo para ang karagdagang proteksiyon laban sa COVID-19, lalo na sa mga variant nito tulad ng Omicron,” pahayag ng Pangulo.
Pagtitiyak ng Pangulo, napatunayang ligtas at epektibo ang bakuna.
Ayon sa Pangulo, tiyak na mamatay ang mga indibidwal na hindi magpapabakuna kontra COVID-19.
Dismayado ang Pangulo sa mga matitigas ang ulo at sa mga ayaw magpabakuna.
“Huwag kayong mangamba dahil ang ating bakuna ay pinag-aralang mabuti ng ating mga eksperto. Ito ay garantisadong dekalidad, ligtas, at higit sa lahat epektibo at mabubuhay ka. Iyong hindi napa — makabakuna, sigurado patay ‘yun pagdating ng panahon. Eh tigas ng ulo ninyo,” pahayag ng Pangulo.