Nasungkit ni Aksyon Demokratiko presidential candidate at Manila Mayor Isko Moreno ang endorsement ni Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Interim Chief Minister Ahod “Al-hajj Murad” Ebrahim. Ito ay matapos ang pangangampanya ni Moreno sa BARMM. Katunayan, ipinakilala ni Murad si Moreno bilang incoming president. “Pagbati kay Manila Mayor Isko Moreno, our incoming president, welcome sa Bangsamoro government,” pahayag ni Murad. Umaasa rin si Murad na siya ring chairman ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na makakattabaho si Moreno para sa ikagaganda ng BARMM lalot nahaharap ito sa mga pagsubok para mapanatili ang pang matagal ang kapayapaan sa Mindanao. Mahalaga ayon kay Murad na maipagtuloy ang mga programa at reporma para sa Bangsamoro people. “It is a challenging task because we ourselves are transforming from a revolutionary government bureaucracy,” pahayag ni Murad. Malaki naman ang pasasalamat ni Moreno sa tiwala at suporta ni Murad. “Maraming, maraming salamat sa ating minamahal na Chief Minister, sa mga senior ministers, members of the parliament, cabinet, at ang ating mga kasamahan dito, mga kawani ng ating pamahalaan dito sa BARMM. Talagang na overwhelm kami sa good words ni Chief Minister at ng sampu ng kanyang mga kasama,” pahayag ni Moreno. “Wala akong maisip na salita sa sobrang saya na nagbubunga nang unti-unti, yung pagsisikap natin ng aming grupo na talagang bumaba lumapit sa tao at humingi ng tulong. At sana yung nangyayari ngayon dito sa buong BARMM ay mangyari sa buong Mindanao at sa buong Pilipinas, I am hoping. But today I’m grateful to our Muslim brothers and sisters, and with Christians here sa Mindanao, masayang masaya ako, thank you very much talaga. Salamat sa Diyos,” dagdag ni Moreno.
Isko inendorso ni BARMM Chief Minister Al-hajj Murad
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...