Pilipinas probinsya ng China?
By: Chona Yu
- 3 years ago
Isang viral video ang in-uplaod sa Facebook kung saan tinukoy ang mga siyudad sa Pilipinas bilang mga probinsya ng China.
“VIRAL VIDEO. Grabe naman ito!” ayon sa Facebook page na Pinoy Rap Radio.
Nakasaad pa na, “Paano kung tuluyan na tayong masakop ng gobyernong China? Posibleng-posible ito sa nalalapit na kinabukasan kung wala tayong gagawin para pigilan ang pagkakalat nila ng propagandang katulad nito?”
Ang video na may pamagat na “Philippines: Province of China?” ay makikita kapag sinearch ang “Philippines” sa Google Earth.
Makikita rin sa search results ang pangalang “Philippines (Province of China).” Ang mga searches para sa Philippine cities na mag tag na “Province of China” ay kinabibilangan ng Cebu, Davao at Manila.
As of Feb. 20, ang video ay mayroon ng mahigit 1,800 comments, 14,000 views, mahigit 3,700 shares at mahigit 1,100 reactions.
Matatandaang noong July 2018 ay mayroong isinabit na mga tarpaulin na may nakasulat na “Welcome to the Philippines, province of China” sa ilang footbridge sa Metro Manila.
2016 nang manalo ng landmark case ang Pilipinas laban sa China sa Permanent Court of Arbitration.
Pinaboran sa ruling ang Pilipinas at idineklarang walang legal na basehan ang nine-dash claim ng China sa South China Sea.
Narito ang link ng video: