Barangay officials bawal mag-endorso ng mga kandidato – DILG

Ipinagbabawal sa mga opisyal ng barangay na mag-endorso ng mga kandidato sa papalapit na eleksyon.

Sinabi ni DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Dino tanging ang Pangulo, Pangalawang Pangulo, mga mambabatas, mayors at vice mayors ang maaring mag-endorso ng mga kandidato.

Ginawa ni Dino ang paalala matapos makatanggap ng mga sumbong na may mga opisyal ng barangay na lantaran ang pag-endorso sa mga kandidato.

Iginiit niya kinakailangan na maging ‘apolitical’ ang mga opisyal ng barangay dahil wala silamng karapatan na mag-endorso ng mga kandidato alinsunod sa nakasaad sa Omnibus Election Code.

Nabanggit nito ang isang barangay chairman sa San Jose del Monte City sa Bulacan na hayagan ang pagsuporta sa isang presidential aspirant at isang vice presidential aspirant.

Read more...