Aktibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, nasa 58,657

Patuloy ang pagbaba ng bilang ng aktibong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

May naitalang 1,427 na bagong kaso ng nakahahawang sakit sa nakalipas na 24 oras.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Lunes (February 21), pumalo na sa 3,653,526 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 58,657 o 1.6 porsyento ang aktibong kaso.

Nasa 79 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 55,763 o 1.53 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 3,269 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 3,539,106 o 96.9 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...