Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority officer-in-charge at general manager Romando Artes, ibabase ng Metro Manila mayors ang desisyon sa data mula sa Department of Health (DOH), Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases, at National Task Force (NTF) Against COVID-19.
Ikukunsidera rin aniya ng mga mayor ang risk classification, healthcare utilization rate, at downward trend ng COVID-19 infections.
Ayon pa kay Artes, dapat isalang-alang din ang pagbigat ng daloy ng trapiko kung ibababa na ang Metro Manila sa Alert Level 1.
Ngayon pa lamang aniya ay nililinis na Mabuhay Lanes, o iyong mga alternatibong daanan ng mga sasakyan.
Pinag-aaralan na rin aniya nila kung palalawakin pa ang coverage ng number coding scheme.