Nagsalita na ang taumbayan at ayaw na nila ng pamamahalang “Daang Matuwid,” at dapat umiral ang gobyernong sinsero at kabaligtaran nang naghari ng nakaraang anim na taon..
Nakita ko ang 8-point economic agenda ng incoming Duterte Administration at bagamat walang personal na bendisyon ng bagong pangulo, napansin kong tila lumilihis ang ilan dito sa mga pangako niya noong kampanya.
Sabi rito, ‘itutuloy raw at panatilihin ang mga “current macro-economic policies” ng Aquino go-vernment.
Dito pa lang, medyo naasiwa na ako dahil ang akala ko ay “change is coming.” Hindi pa naman si Digong ang nagsasabi nito kundi ang adviser niyang si financial mana-ger Carlos Dominguez na noon ay Agriculture Secretary ni Tita Cory.
Katulad nitong itutuloy daw na PPP (Public-Private Partnership (PPP) program), na lalo lang nagpayaman sa “big business.” Ok lang sana kung parehas ang negosyo, kaso hindi, may kolatilya na “government guarantee,” ibig sabihin, walang lugi at taumbayan ang magbabayad.
Nakita ninyo iyan sa LRT1 na biyaheng Roosevelt-Baclaran. Kumikita at walang problema sa maintenance, pero ibinigay pa rin ng PPP sa A-yala-Pangilinan consortium.
Hindi pa nga nakakaupo, nagtaas na ng singil.
Ngayon, pinagbabayad ang gobyerno ng P1.8 bilyon dahil dapat daw ay may panibagong pagtaas. Ngayon, isusunod na ng PPP ang LRT2 na biyaheng Divisoria at Santolan at tiyak agrabyado na naman ang taumbayan.
Natikman na rin natin iyang “government gua-rantee” sa Manila Water at Maynilad na nagsusuplay ng tubig sa atin. Dahil sila ay “concessionaire” at hindi “public utility company,” pwede silang kumita nang lampas 12 percent tulad ng “restriction” sa Meralco. Sobra-sobra talaga ang net profit ng Manila Water (2015-P5.96B) at Maynilad (2015-P13B), katunayan, pati “income tax” nila ay tayo ang nagbabayad.
Sa totoo lang, bu-mabaha ang pera ng gobyerno, P3.6 trilyon bawat taon. Malalaki na ang sweldo ng mga opisyal at empleyado rito. Mahigpit na rin ang Ombudsman at Sandiganbayan at sa pagpapatupad ng FOI, gaganda na dapat ang serbisyo ng gobyerno. Pero, ang malaking tanong, bakit i-binibigay ng gobyerno ang mga importanteng serbisyo tulad ng tubig, kuryente, tollways, pati Angat Dam sa mga “big businesses?” Hindi ba kayang patakbuhin iyan ng gobyerno, para naman mas mura ang “serbisyo” at walang mga “government guarantees?”
Mr. President, narito ang ilang magagandang panukala;
1.Isang college graduate sa bawat pamilya na sasagutin ng gobyerno ang gastos at garantisadong trabaho.
2. Magkaroon ng makatotohanang health center na may sapat na gamot at mga rural doctors at health workers kahit sa pinakaliblib na bayan.
3. Dapat gawing libre ng gobyerno ang mga irrigation fees sa mga magsasaka at talagang tulungan silang mabuhay sa kanayunan at tuloy magpatupad ng “balik probinsya” program.
4. Babaan ang mga government fees (passport, permit, clearances at iba pa para madaling makahanap ng trabaho?
5. Ibalik sa gobyerno ang Maynilad, Manila Water, National Grid Corporation, Napocor, nang makatikim naman tayo ng murang serbisyo.
Marami pang pwedeng gawin, Mr. President, pero sana naman ang nakararaming mahihirap ang paburan mo kaysa sa malalaki at makapangyarihang mga negosyante.