Presumptive President Rodrigo Duterte, haharap sa publiko ngayong araw

INQUIRER FILE PHOTO/LYN RILLON
INQUIRER FILE PHOTO/LYN RILLON

Matapos magpahinga ng isang lingo, haharap sa publiko ngayong araw si presumptive President Rodrigo Duterte.

Kahapon inihanda na rin ang kaniyang pansamantalang magiging opisina sa Davao City sa Matina Enclave Clubhouse.

Sa nasabing opisina pansamantalang tatanggap ng mga bisita si Duterte.

Mamayang alas 2:00 ng hapon ay haharap si Duterte sa isang press conference.

Ayon kay Peter Lavińa, tagapagsalita ni Duterte, may mga karagdagang seguridad na rin na ipinatupad para sa alkalde.

Kahapon, maliban sa mga tauhan ng Philippine National Police, may mga team ng volunteer groups na tumutulong para sa pagbibigay ng seguridad sa Matina Enclaves Clubhouse para matiyak ang kaligtasan ni Duterte.

 

Read more...