Aktibong kaso ng COVID-19 sa PNP, nasa 100 na lang

Nasa tatlo ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Huwebes (February 19), 48,764 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 100 ang aktibo pang kaso.

Anim namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 48,536 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Wala namang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito, 128 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...