Lagpas 5.89 milyon na ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.
Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 5,892,561 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 958,300.
Sumunod na rito ang Brazil na may 643,111 na pumanaw bunsod ng pandemiya.
Nasa 511,262 naman ang death toll sa India habang 343,957 ang napaulat na nasawi sa Russia.
Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– Mexico – 315,055
– Peru – 208,964
– United Kingdom – 160,379
– Italy – 152,596
– Indonesia – 146,044
– Colombia – 137,869
– France – 136,446
– Iran – 134,607
– Argentina – 125,062
– Germany – 121,693
– Poland – 109,509
– Ukraine – 104,106
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 422,112,323 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nasa 346,578,659 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.