Muli kasing nasa-ilalim sa Binay ang lokal na pamahalaan ng Makati City nang manalong alkalde ang anak ng Bise Presidente na si dating Makati Rep. Abby Binay.
Si Abby Binay ang tumakbo sa ngalan ng kaniyang kapatid na tinanggal sa posisyon dahil sa mga kasong katiwalian.
Nagawa niyang talunin si Kid Peña na suportado ng administrasyon, at umupong alkalde ng Makati nang masibak si Junjun Binay.
Samantala, ang isa pang anak ni VP Binay na si Sen. Nancy Binay ay mayroon pang tatlong taong paglilingkod sa Senado.
Ayon kay dating Sen. Aquilino Pimentel Jr., isa sa dahilan kung bakit hindi nanalo sa presidential race si Binay ay dahil sa hindi pa rin niya pagsagot sa mga akusasyon sa kaniya.
Dating magka-alyado sina Pimentel at Binay ngunit kumalas ang dating senador nang lumabas ang alegasyon ng katiwalian laban sa kaniya.
Malaking bagay aniya ang kanilang kontrol sa Makati kaya
Nang hingan ng pananaw si Pimentel tungkol sa political career ni Binay, sinabi niyang “dreams never die.” Malaking bagay aniya ang kanilang kontrol sa Makati kaya posible pang bumawi ang bise presidente.
Ayon naman kay De la Salle political science professor Richard Heydarian, bagaman mananatili ang kanilang impluwensya at kapangyarihan sa pulitika, duda siyang susubok muli si VP Binay ang national level.