Nakatakdang makipagpulong kay presumptive president Rodrigo Duterte ang mga ambassadors ng ilang bansa ngayong araw.
Ito ang isiniwalat ni Duterte kasabay ng kanyang pakikipagpulong sa ilang personalidad kabilang na ang ilang opisyal ng PNP at AFP kagabi sa Davao City.
Sa panig ng China, naka-schedule na ang meeting ni Duterte kay Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jinhua.
Samantala, sina Ambassador of Israel Effie Ben Matityau at Japanese Ambassador Kazuhide Ishikawa ay nakatakda ding makipagkita kay Duterte ngayong Lunes.
Una nang sinabi ni Duterte na agad siyang hihiling ng multilateral talks upang maresolba ang agawan ng teritoryo sa South China Sea.
Kanya ring dati nang binanggit na makikipag-usap din sa Japan at US at iba pang rival claimants upang maresolba ang tensyon sa rehiyon.
Handa siya aniyang ikonsidera ang pakikipagtulungan sa China upang kapwa makinabang sa potensyal ng oil at gas reserves sa naturang lugar sa pamamagitan ng joint-venture partnership.