Si Senador Ferdinand Bongbong Marcos ang nanalo ng higit sa 86,000 boto sa overseas absentee voting (OAV) ngunit hindi pa rin ito naging sapat upang maungusan si Rep. Leni Robredo sa vice presidential race.
As of 5:45 ng hapon, Linggo, lamang pa rin si Robredo ng mahigit 219,000 na boto batay sa partial unofficial tally ng Comelec transparency server.
Katumbas ito ng kabuuang 96.13 percent ng kabuuang bilang ng election returns.
Batay sa unofficial tally, nakakalap ng 14,022,878 na boto si Robredo samantalang 13,803,224 si Marcos.
Sa OAV, nanalo si Marcos sa 49 na foreign posts samantalang sa sampu nakalamang si Robredo.
Sa kabuuang 1.3 milyong nagparehistro sa overseas absentee voting, nasa mahigit 432 libo sa mga ito ang aktuwal na nakilahok sa halalan.
Sa ngayong kumpleto na ang lahat ng mga boto mula sa overseas absentee voting.
Gayunman, idadaan pa rin sa opisyal na pagbilang ang resulta ng OAV sa oras na magbukas na ang Kongreso na magsisilbing Naitonal Board of Canvassers para sa presidential at vice presidential voting.