Road reblocking, itutuloy ng DPWH sa EDSA sa weekend

Itutuloy ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagsasagawa sa ilang kalsada sa Epifanio delos Santos Avenue (EDSA) sa weekend.

Ayon sa kagawaran, dalawang road section sa EDSA sa Quezon City ang pansamantalang isasara simula 11:00, Biyernes ng gabi (February 18).

Sinabi ni DPWH National Capital Region Director Nomel Abel Canlas na aayusin ang intermittent sections mula Boni Serrano hanggang P. Tuazon sa tabi ng sidewalk at service road, at maging ang intermittent sections mula sa P. Tuazon hanggang Cubao Farmers main road sa tabi ng street railings at service road.

Kaya naman payo sa mga motorista, dumaan muna sa mga alternatibong ruta.

Alinsunod sa kautusan ni DPWH Secretary Roger Mercado, muling bubuksan sa mga motorista ang apektadong road lanes bandang 5:00, Lunes ng madaling-araw (February 21).

Read more...