Sa pangangampanya ni Moreno sa Pangasinan, sinabi niya na hindi niya uurangan ang katunggaling si Marcos.
Paliwanag ni Moreno, hindi naman niya kaaway si Marcos pero kakumpetensya lamang sa pag pagka-pangulo ng bansa.
Sinabi pa ni Moreno na sa anumang uri ng kompetisyon, hangad niya ang manalo sa laban ito.
Bukod kina Moreno at Marcos, kandidato rin sa pagka-pangulo ng bansa sina Vice President Leni Robredo, Senador Panfilo “Ping” Lacson, Senador Manny Pacquiao, Leody de Guzman at dating Presidential Spokesman Ernesto Abello.
MOST READ
LATEST STORIES