Active COVID-19 cases sa PNP, nasa 103 na lang

Nasa anim lang ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Biyernes (February 18), 48,761 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 103 ang aktibo pang kaso.

55 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 48,530 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Wala namang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito, 128 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...