Kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa mundo, sumampa na sa higit 416.05 milyon

Reuters photo

Pumalo na sa 420.16 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 420,165,628 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 79,915,734 cases.

Sumunod na rito ang India na may 42,779,022 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 27,941,476 naman ang kaso sa Brazil habang 22,068,635 ang napaulat na kaso sa France.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 18,499,058
– Russia – 14,840,502
– Turkey – 13,266,265
– Germany – 13,154,541
– Italy – 12,323,398
– Spain – 10,778,607
– Argentina – 8,799,858
– Iran – 6,894,110
– Colombia – 6,035,143

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 5,881,128 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 343,938,821 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...