Tricycle drivers dapat isama sa fuel subsidy program – PASAHERO

Inihirit ng PASAHERO Partylist ang gobyerno na maisama ang mga tricycle drivers sa mga nasa fuel subsidy program.

Sinabi ni Robert Nazal, ang nagtatag ng PASAHERO Partylist, wala silang nakikitang dahilan para hindi maisama sa nabanggit na programa ang mga nasa sektor ng ‘tatlong gulong.’

Pagdidiin ni Nazal tulad ng ibang public transport drivers kailangan din ng ayuda ng pumapasada ng tricycle dahil lubha din silang apektado ng mataas na halaga ng mga produktong-petrolyo.

“Humina ang kanilang pasada, tumaas ang presyo ng langis pero wala silang natanggap na ayuda mula sa national government at sa kabila nito hindi naman tumaas ang kanilang pasahe,” dagdag katuwiran pa ni Nazal sa kanilang kahilingan.

Aniya ang pagsama sa tricycle drivers sa programa ay pagpapahalaga na rin sa kanilang pagbibigay serbisyo sa publiko ngayon nagpapatuloy ang pandemya.

Una nang sinuportahan ang Passengers and Riders Organization Inc., ng mga pederasyon ng mga tricycle operators at drivers sa buong bansa, kasama na ang NCR TODA Coalition at Panlalawigang Pederasyon ng Bulacan, kapwa may libo-libong miyembro.

Read more...