Malaybalay City, Bukidnon Mayor Florencio Flores Jr., pumanaw na

Photo credit: Mayor Florencio “Doc Boy” Flores Jr./Facebook

Pumanaw na si Malaybalay City, Bukidnon Mayor Florencio Flores Jr., Huwebes ng hapon (February 17).

Base sa post sa kaniyang Facebook account, pumanaw ang alaklde bandang 4:59 ng hapon.

Inihayag ng page administrator ni Flores na bago pumanaw ang alkalde, nais nitong iparating ang lubos na pasasalamat sa lahat ng nag-alay ng panalangin at pagmamahal para sa kaniya.

Noong January 27, inanunsiyo ng alkalde na nagpositibo siya sa COVID-19 at nagnegatibo noong February 2.

Ngunit noong February 7, tinamaan muli ang alkalde ng nakahahawang sakit at nagkaroon siya ng mga kumplikasyon.

Tatakbo sana si Flores sa panibagong termino bilang alkalde sa darating na 2022 elections.

Read more...