Amihan, umiiral sa ilang parte ng bansa

DOST PAGASA satellite image

Patuloy na makararanas ng maaliwalas na panahon ang maraming lugar sa bansa.

Ayon kay PAGASA weather specialist Raymond Ordinario, nakakaapekto ang Northeast Monsoon o Amihan sa Silangang bahagi ng Gitna at Hilagang Luzon.

Cloud clusters na dulot ng trough ng ecuatorial area naman ang umiiral sa southern portion ng Mindanao region.

Ani Ordinario, walang nakataas na gale warning sa anumang baybaying-dagat ng bansa.

Wala rin aniyang inaasahang papasok o mabubuong bagyo sa teritoryo ng bansa sa susunod na tatlo hanggang limang araw.

Read more...