Planong demolition job laban sa kanya, ibinuko ni Ping Lacson

Screengrab from Sen. Ping Lacson’s Facebook video

Ibinahagi sa mga mamamahayag ni Senator Panfilo “Ping” Lacson na may binabalak na demolition job laban sa kanya ang ilang suppoters ng kapwa presidential aspirant.

Aniya, maaring inakala ng kandidato na siya ang pinatatamaan nito sa tuwing mababanggit niya ang kanyang laban sa mga magnanakaw sa kanyang campaign rallies.

Ayon pa kay Lacson, kinukumpirma na niya ang kanilang natuklasan at aniya, may pangalang lumabas na hindi na niya binanggit.

“Hindi kami titigil sanay na tayo sa bakbakanyang ganyan, sa bandang huli, huli man daw nako-correct din. ‘Yun naman talaga ang problema ng bansa natin,” sabi pa ng standard-bearer ng Partido Reporma.

Dagdag pa ni Lacson, “Hindi kami titigil ganun pa rin ang ipamumukha sa ating mga kababayan kapag may dialogue.”

Sabi naman ng kanyang running mate na si Vicente “Tito” Sotto na ganyan naman ang sanay sa maruming pulitika.

“Gagawin nila sisiraan nila si Sen. Lacson kasi nagsasabi ng totoo. Sisiraan para hindi maniwala ang mga tao sa sinasabi niya. Iyun ang obvious na reason,” dagdag ni Sotto.

Read more...