Base sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang 4:00, Huwebes ng hapon (February 17), 2,196 ang bagong naitalang kaso ng nakahahawang sakit sa nakalipas na 24 oras.
Dahil dito, umakyat na sa 3,646,793 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 66,588 o 1.8 porsyento ang aktibong kaso
1,090 rito ang asymptomatic o walang sintomas, 60,848 ang nakararanas ng mild symptoms, 2,913 ang moderate, 1,428 ang severe, habang 309 naman ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 107 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 55,330 o 1.52 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 4,409 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 3,524,875 o 96.7 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.