Nabahala si Vice President Leni Robredo nang mabalitaan ang pagbaklas ng campaign posters nila ng kanyang running mate na si Senator Francis Pangilinan sa loob ng bakuran ng kanilang supporters.
Ito ang sinabi ng kanyang tagapagsalita na si Barry Gutierrez.
Ayon pa kay Gutierrez, ikinukunsidera nila ang paggawa ng mga legal na aksyon laban sa Commission on Elections (Comelec).
Sa kumalat na videos sa social media, mapapanood ang pagpasok ng mga awtoridad sa mga pribadong istraktura at binaklas ang campaign posters nina Robredo at Pangiinan.
“As a lawyer, as isang public servant na talagang mahalagang-mahalaga sa kaniya iyong exercise ng karapatan ng bawat mamamayan, lalo na nitong freedom of speech, malalim iyong kaniyang concern,” sabi ni Gutierrez patukoy kay Robredo.
Dagdag pa nito, umaapela sila sa Comelec na bisitahin muli ang mga polisiya gumagabay sa mga ginagawang pagsuporta sa mga kandidato.