Pacquiao si Bro. Eddie Villanueva ang napupusuan na anti-corruption czar

CHONA YU / RADYO INQUIRER ONLINE PHOTO

Itatalaga ni presidential aspirant Manny Pacquiao si Brother Eddie Villanueva bilang ‘anti-corruption czar.’

Ito ay mangyayari kung mananalo si Pacquiao sa papalapit na presidential race at kung tatanggapin ng kasalukuyang kinatawan ng CIBAC Partylist ang kanyang alok.

Ibinahagi ito ng Pambansang Kamao sa pangangampaniya niya sa Montalban, Rizal.

Katuwiran nito sa pagpili kay Villanueva, nagustuhan niya ang inilatag na paraan ng huli para labanan ang katiwalian sa gobyerno.

Dagdag pa ni Pacquiao ang paniniwala at takot ni Villanueva sa Panginoong Diyos at kuwalipikasyon niya ito sa mga magsisilbi sa kanyang administrasyon.

Read more...