Ping at Tito, kumpiyansa pa rin sa tsansa sa eleksyon

Hindi apektado ang tambalang Ping Lacson – Tito Sotto sa kanilang puwesto sa mga survey.

Sinabi ni Lacson, ang standard bearer ng Partido Reporma, na hindi kinakatawan ng pangkalahatang kagustuhan ng mamamayan ang mga survey.

Aniya, malalaman ang lahat sa araw lamang ng botohan.

Tiwala naman si Sotto na aangat pa sila ni Lacson dahil tumataas ang bilang nila sa survey at unti-unting nalalaman ng mamamayan ang kanilang plataporma.

Sumasandig aniya sila ni Lacson sa kanilang malawak na karanasan sa pagbibigay ng serbisyo-publiko.

Read more...