Ayon kay CIDG Dir. Albert Ferro, base sa paunang pag-iimbestiga, lumalabas na ‘tyope’ ang maaring ugat ng mga kaso ng pagkawala.
Paliwanag niya sa ‘tyope’ ang mga sabungero ay tumataya sa manok ng kalaban sa halip na sa kanilang mga panabong.
Ang unang insidente ay sa Manila Arena noong Enero 14 at sinundan pa ng katulad na insidente sa Laguna, Batangas at Rizal.
Dagdag pa ni Ferro, may isang operator na umatras sa taya na P200 milyon at hindi na rin ito matagpuan.
Karamihan din aniya sa mga nawawala ay sangkot sa ‘online sabong.’