Ginawa ito ng DOLE matapos banggitin sa isang ulat ng ILO ang mga bagong alegasyon ng karahasan at pananakot sa mga manggagawa.
Paliwanag ng kagawaran, may mga administratibong mekanimos at legal na pamamaraan na tumutugon sa mga kaso ng paglabag sa karapatan ng mga manggagawa at union.
“Ang mga ulat o alegasyon ng paglabag sa karapatan ng mga manggagawa ay tinutugunan ng national at regional tripartite monitoring body,” pagtitiyak ni Sec. Silvestre Bello III.
Nabanggit nito na sa 60 kaso ng extrajudicial killing at tangkang pagpatay sa ilalim ng administrasyong Duterte ang patuloy na tinutukan ng RTMB.
May 20 kaso na nakabinbin sa korte at ang iba naman ay iniimbestigahan pa ng mga awtoridad.