Positibo sa COVID-19 ang isang miyembro ng K-pop sensation BTS na si V.
Sinabi ng Big Hit Music ng nagtungo sa ospital si Kim Tae-hyung o mas kilala bilang V noong Martes ng hapon.
Nakaranas si V ng mild sore throat kung kaya’t agad sumailalim sa PCR test.
Lumabas na positibo si V sa nakahahawang sakit.
Sinabi ng agency nito na fully vaccinated si V at walang ibang sintomas na nararamdaman maliban sa lagnat at sore throat.
“He is currently undergoing treatment at home while waiting for further guidelines from the health care authorities,” saad ng Big Hit Music.
Dagdag nito, “None of the BTS members other than V are presdenting any symptoms, and everyone received negative results from the preemptive self-tests.”
Tiniyak nito na prayoridad nila ang kalusugan ng kanilang mga artista.
Si V ang ikalimang miyembro ng BTS na tinamaan ng COVID-19.
Unang nagpositibo sina Suga, Jin at RM tested positive noong Disyembre at sinundan ni Jimin noong Enero.