Anim na pulis, tinamaan ng COVID-19

Nasa anim lang ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Ito ang pinakamababang naitalang bagong COVID-19 case sa hanay ng pulisya.

Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Miyerkules (February 16), 48,750 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 166 ang aktibo pang kaso.

42 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 48,456 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Wala namang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito, 128 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...