OCTA: Positivity rates sa NCR, Calabarzon bumaba

Photo credit: Dr. Guido David/Twitter

Bumaba na ang COVID-19 positivity rates sa National Capital Region (NCR) at Calabarzon, ayon sa OCTA Research.

“The positivity rates in NCR and Calabarzon continued to fall as all provinces had less than 10 percent positivity rate as of February 15,” saad ni OCTA Research fellow Guido David sa kaniyang Twitter account.

Dahil dito, nasa ‘low risk’ classification na ang NCR, Cavite, Laguna, Quezon at Rizal.

Nanatili naman sa ‘moderate risk’ category ang Batangas, ngunit sinabi ni David na inaasahan na rin ang pagbaba nito sa ‘low risk’ sa mga susunod na araw.

Dagdag nito, “Quezon is very close to being the first province under very low risk classification.”

Lumabas din sa datos na nakapagtala ang NCR ng -56 percent na one-week growth rate sa mga kaso, -54 percent sa Batangas, -52 percent sa Cavite, -59 percent sa Laguna, -56 percent sa Quezon, at -50 percent sa Rizal.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang February 15, nasa 72,305 pa ang bilang ng aktibong kaso sa Pilipinas.

Read more...