Pulos mga nakasuot ng pulang damit at may winawagayway na maliliit na mga bandila ng Pilipinas ang mga nasabing tagasuporta na sa malapitang tingin ay sumunod naman sa health protocols sa nasabing pagtitipon.
Pinangunahan ni dating Mayor at MMDA Chairman Atty. Benjamin “Benhur” Abalos Jr. ang mga taga-Mandaluyong sa pagpapakita ng suporta sa tambalan nina Presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at Vice-presidential candidate Sara Duterte-Carpio.
“Matalino”, “pinakamagaling” at “higit sa lahat may puso” ang mga katangiang binanggit ni Abalos sa pagpapakilala kay Marcos, Jr.
“May 5, 2016 halos six years ago sa lugar na ito… Tumakbo siya [Marcos Jr.]. Ano ang binigay boto ng Mandaluyong?… Dumadagundong! Nanalo! Nanalo sa Mandaluyong! Nanalo sa kalakhang Maynila,” sabi ni Abalos.
“Kaya naman ngayon ay mas maraming pa tayo!,” dagdag ni Abalos bago ipakilala si Marcos Jr. at ipakilala ito bilang “susunod na Presidente ng Pilipinas.”
“Kami po ni Inday Sara ay may adhikaing pagkakaisa kaya naman po kami ay tinatawag na UniTeam dahil unity po ang aming pangarap para sa sambayanang Pilipino!,” paliwanag ni Marcos Jr.
Inilatag ni Marcos Jr. ang kanyang iba’t ibang palatporma para sa bansa.
Dumalo rin sa grand rally ang mga senador na tumatakbo sa ilalim ng UniTeam slate pati na rin si Toni Gonzaga na kumanta ng “Eye of the Tiger” alinsunod sa bansag kay Marcos Jr. na “Tigre ng Norte.”
Tinatayang may humigit kumulang 240,000 na rehistradong botante sa Mandaluyong.