Hindi magpapatinag si Aksyon Demokratiko presidential candidate at Manila Mayor Isko Moreno sa paalala ng Commission on Elections (Comelec) na tiyaking sumunod sa health protocols habang nangangampanya.
Ayon kay Moreno, mahalaga kasi na maipadama sa tao na mayroong gobyerno na hahawak at aalalay pataas para makaahon sa kahirapan.
Katunayan, balewala kay Moreno ang mga sugat at galos sa kamay dulot ng pakikipagkamay sa supporters.
Sinabi ni Moreno na bahala na ang kanyang mga abogado kung sakaling makasuhan dahil sa paglabag sa health protocols.
Ang mahalaga aniya ay maipaabot sa taong bayan ang kanyang sinserong serbisyo.
Balewala aniya ang sakit sa sugat kumpara sa sakit na dinaranas ng mga tao.
Sinabi ni Moreno na tungkulin ng gobyerno na abutin ang mga tao at bigyan ng maayos na serbisyo.