Sen. Kiko Pangilinan nanawagan para sa paglikas ng mga Pinoy sa Ukraine

Hiniling ni vice presidential aspirant Francis Pangilinan sa gobyerno na paghandaan na ang maaring mangyari sa Ukraine.

Partikular ang panawagan ni Pangilinan sa Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Labor and Employment (DOLE) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Sinabi nito na dapat ay makipag-ugnayan na ang DFA sa gobyerno ng Ukraine para sa maaring paglikas at pagpapa-uwi ng mga Filipino na nasa naturang bansa.

“Merong mga 600 na Pinoy ang nandoon na nagtatrabaho bilang household worker o sa IT, sabi ng Ukraine government. At marami sa kanila ang nakatira sa capital mismo ng Kyiv o malapit dito,” ayon pa sa senador.

Binanggit nito ang sinabi ng non-resident Ambassador of Ukraine to the Philippines na wala pa silang natatangap na komunikasyon mula sa gobyerno ng Pilipinas na humihingi ng tulong para sa mga Filipino na nasa kanilang bansa.

 

Read more...