Pinirmahan na ni Pangulong Duterte ang ang Executive Order 162 para kilalanin ang Philippine Identification System Number bilang opisyal na identification sa mga pakikipag-transaksyon sa lahat ng ahensiya ng gobyerno at mga pribadong kompaniya.
Nakasaad sa EO na sapat na ang PhilSys ID bilang katibayan ng pagkakakilanlan ng isang Filipino.
Nakasaad din na ang National ID ang opisyal na government-issued ID document at official proof of identity na maaring magamit sa lahat ng mga transaksyon.
Magagamit ito sa mga transaksyon sa mga government owned and cotrolled corporations, local government units, state universities and colleges at iba pang ahensiya o tanggapan.
Noong nakaraang Martes, Pebrero 14, pinirmahan ng Punong Ehekutibo ang naturang kautusan.