Ping Lacson itatalagang ‘anti-corruption czar’ sa Moreno-administration

CHONA YU / RADYO INQUIRER ONLINE PHOTO

Sakaling suwertehin na maihalal bilang susunod na pangulo ng bansa, sinabi ni presidential aspirant Isko Moreno Domagoso na itatalaga niya ang kapwa kandidatong si Senator Panfilo Lacson bilang ‘anti-corruption czar.’

Katuwiran ni Domagoso hindi makakaila na kuwalipikado si Lacson na pamunuan ang kampaniya laban sa korapsyon at katiwalian sa gobyerno.

Dagdag pa niya may mga partikular na kakayahan si Lacson na katangi-tangi at kapaki-pakinabang para bigyan solusyon ang matagal ng isyu sa korapsyon sa gobyerno.

Sinabi nito na panahon na para madisiplina ang mga nasa gobyerno na patuloy na gumagawa ng katiwalian gamit ang kanilang posisyon.

Pagdidiin niya ‘asset’ ng bansa ang presidential aspirant ng Partido Reporma.

 

Read more...