De Lima nakakuha ng suporta sa mga overseas Filipinos

Nagpahayag ng suporta sa kandidatura ni Senator Leila de Lima ang grupo ng mga Filipino human rights activists at freedom fighters na nasa US, Canada, Saipan at Hong Kong.

Sa ikinasang Town Hall Meeting na ‘The Truth About Leila’ inihayag ng mga Filipino na nasa ibang bansa ang kanilang pagsuporta sa senadora.

“US Filipino for Good Governance has always supported Leila from the very start, when she ran for election as senator in 2016 and now they re protesting the continued illegal and unjust detention of Senator Leila de Lima,” sabi ni Mely Nicolas, co-organized ng Global Filipinos for Leni.

Idinagdag pa ni Nicolas hinangaan nila ng husto si de Lima nang pasimulan nito ang pag-iimbestiga sa Davao Death Squad nang pinamumunuan pa nito ang Commission on Human Rights.

Sa town hall meeting naipaliwanag naman ni Atty. Abel Maglanque, abogado ng senadora, ang mga updates sa mga kaso ni de Lima.

Samantala, sa pamamagitan ng video message, sinabi ni de Lima na ang patuloy na pagbuhos ng mga suporta ang nagniningas ng kanyang mithiin na ipagpatuloy ang kanyang mga ipinaglalaban kahit siya ay nasa kulungan.

Read more...