Kaso laban sa mga suspek sa Benilde hazing, ibinasura

 

Inquirer file photo

Ibinasura ng Makati Regional Trial Court Branch 52 ang kasong kriminal na isinampa laban sa mga miyembro ng Tau Gamma Phi na nasangkot sa hazing noong 2014.

Kaya naman binatikos ni Aurelio Servando, ama ng biktimang si Guillio Servando na estudyante ng College of St. Benilde, ang kawalan ng silbi ng batas na Anti-Hazing Law.

Ayon kay Aurelio, ipinapakita lamang ni Makati RTC Brach 53 Judge Honorio Gunlao sa kaniyang desisyon na mahirap pa ring mapanagot ang mga nasasangkot sa hazing sa kabila ng batas laban dito.

Binalewala ni Gunlao ang mosyon na inihiain ng pamilya ng biktima na baliktarin ang desisyong inilabas noon pang April 20, ngunit kinatigan ng korte ang mosyon ng mga pangunahing suspek na sina Hans Tatlonghari at Eleazar Pablico na ibasura ang kaso.

Dahil dito, inalis na rin ni Gunlao ang mga warrants of arrest na una nang inilabas laban kina Tatlonghari at Pablico.

Ayon sa resolusyon ng korte, hindi umano napatunayan ni Aurelio na na-hazing ang kaniyang anak bilang rekisito sa pagpasok sa fraternity.

Naging emosyonal pa si Aurelio at ang kanilang pamilya nang mabalitaan nila ang desisyong ito.

Read more...