Taxi carnapper, arestado sa QC

 

Arestado ang isang lalake makaraang positibong ituro ng isang taxi driver na tumangay ng kanyang minamanehong taxi sa lungsod ng Quezon.

Nakilala ng driver na si Nathaniel Tagaan ang suspek na si Michael Urminete, nasa hustong taong gulang.

Sa kwento ng driver sa Quezon City Police, nagpanggap na pasahero ang suspek at sumakay sa kanyang taxi sa Katipunan Ave., at nagpapahatid sa Bgy. Milagrosa upang sunduin ang kanya umanong girlfriend.

Pagsapit sa harap ng isang tahanan sa panulukan ng JP Rizal at T. Castro St., nakiusap ang suspek sa driver bumaba ng sasakyan upang pindutin ang doorbell sa tahanan.

Gayunman, pagbaba ng driver, agad na pinaharurot ng suspek ang taxi upang tumakas.

Gayunman, sa tulong ng ilang mga concerned citizens at mga pulis na nagroronda sa lugar, nasakote ang suspek sa kahabaan ng White Plains na nagtatangka muling mambiktima.

Ayon kay Sr. Supt. Joselito Esquivel, Deputy Director for Operations ng QCPD, sangkot din ang suspek sa dalawang insidente pa ng carnapping ng taxi na gamit ang kaparehong modus.

Read more...