Hontiveros: Unstable power supply banta sa eleksyon

Sinabi ni reelectionist Senator Risa Hontiveros na nagsisilbing banta sa intergridad ng papalapit na halalan ang manipis na suplay ng kuryente at dapat ay ikinukunsidera itong seryosong isyu ng mga mambabatas.

Sinabi ito ni Hontiveros base sa babala ng Institute for Climate and Sustainable Cities (ICSC) ng posibleng pagkawala ng suplay ng kuryente maging sa araw mismo ng botohan.

“Malaking banta sa integridad ng halalan ang posibleng pagnipis ng suplay ng kuryente sa araw mismo ng botohan at sa bilangan. Pwedeng magkadayaan, magkasalisihan,” sabi pa nito.

Muli, nanawagan ito sa Energy Regulatory Commission (ERC) at Department of Energy (DOE) na tiyakin sa mga power distributors na hindi magkakaroon ng biglaang blackout sa araw ng botohan.

“Dapat ngayon pa lang ay nakalatag na ang sapat na reserba lagpas sa 1,200MW na inaasahang margin sa pamamagitan ng dagdag na kontrata sa ancillary service at pagsisigurong walang players na paglalaruan ang merkado para makasingil ng dagdag sa presyo ng kuryente,” sabi pa ni Hontiveros.

Read more...