“It has been brought to our attention that several campaign sorties conducted since the campaign period started have not been compliant with the mandatory face mask and face shield policy, as well as the strict physical distancing requirements,” pahayag ni Comelec spokesperson James Jimenez.
Aniya, responsibilidad ng mga kandidato ang kaligtasan ng kanilang mga staff at tagasuporta.
Lahat ng dadalo sa mga in-person campaign activities ay kinakailangang magsuot ng full-coverage face shield at face mask. Kailangan ding sundin ang minimum public health standards sa lahat ng oras.
“Having said that, the COMELEC reiterates that violations of the physical campiagn guidelines are being strictly monitored by the respective campaign committees in every locality, under the guidance of the National COMELEC Campaign Committee (NCCC) headed by Commissioner Rey Bulay, and with the cooperation of the Department of Health (DOH),” dagdag nito.
Ituturing bilang election offense o paglabag sa minimum public health standards (MPHS) ang hindi pagsunod sa mga panuntunan sa election-related activities.
Sa election offense, mapaparusahan ng hindi bababa sa isang taon ngunit hindi hihigit sa anim na taon nang walang probation. Sa paglabag naman sa MPHS, pagmumultahin ng hindi bababa sa P20,000 ngunit hindi hihigit sa P50,000 o pagkakakulong ng hindi bababa sa isang buwan hanggang anim na buwan, o pareho.