Special elections sa Antique, aprubado ng Comelec

Larawan kuha ni Comelec Spokesman James Jimenez
Larawan kuha ni Comelec Spokesman James Jimenez

Nakatakdang magsagawa ng special elections sa ilang parte ng lalawigan ng Antique bukas (May 16, 2016).

Kabilang sa mga lugar na magdaraos ng special polls ay sa Barangay Mabuyong, Anini-y at Barangay Insubuan, San Remigio.

Ang botohan ay isasagawa mula alas singko ng umaga hanggang alas-sais ng gabi.

Batay sa Comelec Resolution 10137, tanging ang mga botante ng clustered precint no. 3 sa Barangay Mabuyong at clustered precinct no. 25 sa Barangay Insubuan ang hindi nakaboto noong May 9 elections.

Ang Barangay Mabuyong ay mayroong kabuuang 691 registred voters habang 158 registered voters naman sa Barangay Insubuan.

Ayon sa Comelec, kinapos sa required number ng mga opisyal na balota sa dalawang nabanggit na barangays.

Pero bagama’t may special elections doon, ang mga boto mula sa presinto ay hindi electronically transmitted at sa halip ay maika-canvass manually.

 

Read more...