Nakakatiyak ang Department of Educatiion (DepEd) na magkakaroon ng dry runs sa pagsisilbi ng mga guro sa nalalapit na eleksyon.
“I am sure magkakaroon ng simulation or dry runs,” sabi ni Education USec. Nepomuceno Malaluan.
Ito naman ay kinakailangan para malaman ang mga posibleng mangyari sa pagsisilbi ng mga guro sa eleksyon sa Mayo.
Itinuro nito ang opisina ni USec. Alain Pascua na siyang direktang nakikipag-ugnayan sa Commission on Elections para sa mga isyu na may kaugnayan sa pag-upo ng mga guro bilang Board of Election Inspectors (BEIs).
Sinabi pa ni Malaluan na nais din nilang malaman kung ano ang maaring maging epekto ng pagdaraos ng eleksyon habang may pandemya.
Ngunit aniya nakakatiyak naman sila na mahigpit na masusunod ang health and safety protocols sa araw ng halalan.