Electric coops sa bansa sumuporta kay Sen. Win Gatchalian

Inquirer file photo

Nabigyan pa ng karagdagang lakas ang kandidatura ni reelectionist Senator Sherwin Gatchalian nang magpahayag ng suporta sa kanya ang National Center of Electric Cooperatives Consumers Inc.

Ibinigay ng NCECCO ang kanilang suporta dahil sa pagsusulong ni Gatchalian ng pagkakaroon ng de-kalidad na serbisyo sa mga konsyumer.

Ayon pa sa grupo, na tinatayang may 13.5 milyong miyembro sa buong bansa, naniniwala sila sa magagawa pa ng senador para mapagbuti ang bansa base sa kanyang mga plataporma at nagawa bilang lingkod-bayan.

Matagal na rin kaagapay si Gatchalian ng mga electric cooperatives sa bansa at patunay ang mga naisulong niyang mga panukala para mapagbuti ang sektor ng elektrisidad sa bansa.

Hinahangaan din nila ang pagsusumikap at dedikasyon nito na mas mapabilis at maging maayos ang pagnenegosyo sa Pilipinas.

Read more...