Senate bid ni dating Sec. Mark Villar binasbasan ni Bro. Mike Velarde

Inindorso ni El Shaddai leader Mike Velarde ang kandidatura sa pagka-senador ni dating Public Works and Highways Secretary Mark Villar.

Agad naman nagpasalamat si Villar sa napakahalagang pag-endorso.

“Maraming salamat sa inyong suporta, nais ko pong pasalamatan si Bro. Mike Velarde at sa milyun-milyong kasapi ng El Shaddai. Kami po kasama ang BBM-Sara Uniteam ay may adhikain na pagkakaisa,” ani Villar.

Ginawa ni Velarde ang pag-endorso sa pagtitipon ng El Shaddai members  sa kanilang International House of Prayer sa Paranaque City noong nakaraang Sabado.

Sinabi pa ni Villar na palagi silang tumatanaw ng utang ng loob kay Velarde sa paniniwala nito at aniya patuloy din silang maglilingkod sa Panginoong Diyos.

Read more...