Ito’y ilang araw matapos ihayag ni Presumptive President Rodrigo Duterte ang kanyang plano na muling buhayin ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at mga rebelde grupo.
Ayon sa ulat ng Armed Forces of the Philippines, ang mga sundalo ay nasa Negros upang siyasatin ang mga ulat ng pangingikil ng mga miyembro New People’s Army sa mga residente roon.
Dito nakasagupa ng grupo ng militar ang nasa sampung rebelde, na nagdulot naman ng pagkasawi ng tatlong sundalo at pagkasugat ng dalawa.
Pagkatapos ng landslide victory ni Duterte noong halalan, sinabi ng tagapagsalita nito na posibleng pakawalan ng kanyang administrasyon ang ilang communist rebels, bilang bahagi ng peace talks.
Taong 2013, tinuldukan ni Pangulong Noynoy Aquino ang usapang pangkapayapaan ng gobyerno sa Communist Party of the Philippines dahil hindi nagustuhan ang demand ng mga rebelde na palayain ang mga kasamahan nila.
Pero ang bagong Presidente, sa katauhan ni Duterte, ay kilalang kaibiga ni Jose Maria Sison na nagtatag ng Communist Party noong 1968.