Mexico, hinatulan at sinentensyahan ang sampung opisyal ng gobyerno dahil sa 2009 day care fire

mexicoHinatulan ng Mexico ang sampung opisyal ng kanilang gobyerno ng pagkakakulong ng hanggang dalawampu’t siyam na taon.

Ito ay dahil sa nasunog na day care center noong 2009 na ikinasawi ng aabot sa apatnapu’t siyam na mga bata.

Matatandaang kumalat ang apoy mula sa sinunog na katabing warehouse at tinupok nito ang ABC Day Care Center sa Mexico kung saan mahigit isang daan na bata ang nasa loob habang ang dalawang emergency exit door ng gusali ay sarado.

Batay sa paunang imbestigasyon, nag-overheat na aircondition ng warehouse ang naging dahilan ng sunog.

Bagaman sinabi ng otoridad na aksidente ang nangyari, napatunayan naman ng magulang ng mga biktimang bata na sinadya ang sunog matapos lumutang ang iba’t ibang malalakas na ebidensya.

Sinasabi na sinadyang sinunog ang warehouse na katabi ng day care center upang tuluyan nang maitago ang mga dokumento na may kaugnayan sa 800 million dollar na utang ng Sonora State government.

Nabatid na nirerentahan ng Treasury Department ng estado ang nasabing warehouse.

 

Read more...