Estados Unidos, bagong Bitcoin mining capital ng mundo

Reuters photo

Nagsimula na ang pag-angat ng Estados Unidos bilang Bitcoin mining capital ng mundo sa taong 2022.

Ayon kay GEM Mining CEO John Warren, matapos ang pull-out at ban ng China sa mining ng crypto, nagkaroon ng puwang ang North America, partikular na ang U.S. para maging Bitcoin mining capital ng mundo.

“What you’ve seen over the past years with China shutting down, Kazakhstan shutting down, North America — and specifically the United States — has really become the Bitcoin (BTC-USD) mining capital of the world,” dagdag pa ni Warren.

Sa datos ng Cambridge University noong Hulyo 2021, natigil ang crypto mining sa China at nagsimulang manguna ang U.S. sa bitcoin mining.

Dito na nagsimulang magtala ng 35 porsyento ng kabuuang mined bitcoin ng buong mundo ang bansa.

Bukod sa U.S., ilang bansa pa na mayroong malaking bitcoin mining resources ang Kazakhstan, Russia, Canada, at Ireland.

Sa ngayon, nasa 41,700 USD o humigit P2 milyon pa rin ang halaga ng isang Bitcoin.

Read more...