Ikinasal na ang komedyanteng si Vice Ganda sa kaniyang partner na si Ion Perez sa Las Vegas sa Nevada, USA.
Sa YouTube, ibinahagi ni Vice ang ilang larawan at video na kuha sa kanilang buong trip sa Las Vegas.
Isinagawa ang wedding ceremony sa The Little Vegas Chapel noong October 19, 2021.
Ipinakita rin sa 14-minute video ang exchanges vows nina Vice at Ion.
“Nandito ako. Buong-buo ‘yung loob ko na makasama ka. Wala akong ibang masabi kundi mahal na mahal kita, Tuy,” saad ni Ion.
Ayon namna kay Vice, “Noy, mahal na mahal din kita. At ang saya-saya ko na ikaw ang kasama ko ngayon at ikaw ‘yung kasama ko kahapon at ikaw ‘yung alam kong makakasama ko pa rin bukas at sa mga susunod pang araw. At ‘yun ang ipinagdadasal ko na ‘Lord sana sa mga susunod na araw, ikaw pa rin ‘yung kasama ko at ako pa rin ‘yung kasama mo’.”
Dagdag nito, “Sa lahat ng gagawin ko sa buhay ko, isa ka sa magiging inspirasyon ko. You will be one of the best reasons for all of my achievements. And I promise, na isa ka sa magiging dahilan kung bakit gusto ko pang mabuhay ulit bukas at sa mga susunod na araw.”
Ibinahagi rin ng dalawa ang kanilang singsing at pinirmahang certificate of commitment.
Ipinagdiwang nina Vice at Ion ang kanilang ikatlong anibersaryo noong October 25.