Kinilala ng pulisya ang biktima na si Nejemias Ariola, Kapitan ng Barangay Leviste.
Ayon sa ulat ng pulisya, pauwi na sana si Ariola sa kanyang bahay sakay ng motorsiklo nang tambangan sa harapan ng tindahan kung saan siya namili.
Kagya’t namang tumalilis ang dalawang magka-angkas sa motorsiklo matapos pagbabarilin si Ariola ng makailang beses.
Tama sa ulo at ibat-ibang parte ng katawan ang tinamo ng biktima na naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan.
Inaalam na ng mga otoridad ang motibo sa pamamaslang at pagkakakilanlan ng mga salarin.
MOST READ
LATEST STORIES